KAMI AY NANINIWALA …
Na ang pagkatao at kagandahang asal ay ang pinagmumulan at batayan ng pag-unlad ng lipunan
Na walang imposible kung lahat ay nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga tulad ng pagtulong at malasakit sa kapwa;
Na ang Pagbibigay-galang at Pagmamahal sa kahit sinuman ay nararapat maging bukal sa aming kalooban;
Na ang katayuan sa buhay ng isang tao ay hindi handlang sa aming pagiging bukas-palad;
Na ang Diyos ay Siyang karapat-dapat na maging sentro ng lahat ng aming isinagawa at isasagawa pa.
KAYA KAMI AY NANGANGAKO…
Na aming ibabahagi ang oras at dedikasyon sa pagpapalaganap ng adhikain ng CaCHET.
Na aming gagampanan ang aming mga tungkulin nang buong katapatan at walang pag-iimnot.
Na aming itutuon ang aming mga layunin sa pagiging MAKADIYOS, MAKATAO, MAKAPAMILYA, MAKAKALIKASAN AT MAKABAYAN;
Na aming titiyakin na walang makahahadlang sa pagsasakatuparan ng aming mga layunin;
Na aming pangangalagaan at panantillihin ang pangalan at reputasyon ng CaCHET;
Na aming buong pusong isasabuhay ang mga ideolohiya ng CaCHET sa lahat ng lugar at pakakataon.
- Ginawa ng piling Guro at Bata Noong ika-21 ng Disyembre 2016 — University of Asia and the Pacific
CACHET HYMN
ALAB NG DANGAL: HIMIG NG PUSONG MARANGAL
(Tagalog Hymn Inspired by the Vision, Mission, Core Values, and Program of CACHET)
Musika at titik ni Joshua N. Reyes, CNHS MAPEH Teacher, Cachet TWG 2025
"Alab" sumisimbolo sa naglalagablab na determinasyon at malasakit ng mga kabataan.
"Dangal" nagpapakita ng karakter, karangalan, at paggalang na siyang sentro ng CACHET
"Himig ng Pusong Marangal" tinig ng pusong may integridad, pananampalataya, at malasakit sa kapwa, pamilya, at bayan.

